Itinanggi ni presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang issue na kaya lamang ito kuma-kandidatong pangulo ay para maiwasan ng kanyang pamilya ang pagbabayad ng buwis.
Tugon ito ng Partido Federal standard bearer sa akusasyon ng kanyang kapwa kandidatong si Senador Manny Pacquiao na ma-a-abswelto ang pamilya Marcos sa mga kasong kinakaharap kung magiging presidente si BBM.
Magugunitang sinisingil na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pamilya marcos sa utang na 203 billion peso Estate Tax.
Una nang nanindigan ang kampo ni Marcos na ginagamit lamang ang isyu ng Estate Taxes sa pamumulitika ngayong halalan.
Nilinaw naman ni Partido Federal ng Pilipinas General Counsel, Atty. George Briones na 23 billion pesos lamang ang halaga ng Estate Tax sa halip na 203 billion pesos dahil “subject for reconciliation” pa at hindi pa pinal ang ruling sa penalties at surcharges.