Itutuloy ni dating senator at presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang ‘build, build, build’ program ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Marcos na hindi dapat tumigil ang pagsasagawa ng imprastruktura sa bansa upang magpatuloy ang mga magandang nasimulan ng gobyerno.
Pero ang kaibahan lang, sinabi ni Marcos na idadagdag sa programa ang digital infrastructure kung saan kasabay ng proyekto sa kalsada ay uunlad rin maging ang internet at negosyo.