INIHAYAG ng BizNewsAsia, ang pinakamalaking weekly news at business magazine sa bansa na lahat ng major survey sa bansa ay nagsasabi na si presidential frontrunner, dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at numero siyete (7) sa balota, ay mananalo bilang pangulo sa halalan sa Mayo 9 na may malaking lamang na posibleng umabot ng 20-26 milyon.
Sa kanilang voter page na isinulat ng beterano at iginagalang na mamamahayag na si Antonio Lopez, iniulat din ng magazine na “game over” na para kay Leni Robredo sa darating na halalan.
“It’s game over for Vice Pres. Leni Robredo’s presidential candidacy. All the major polls indicate former Sen. Ferdinand Romualdez “Bongbong” Marcos Jr., will win the presidency on May 9, 2022, hands down, by wide margins of anywhere, from 20 million to 26 million votes,” ayon sa ulat ng magazine.
“Marcos ran on a platform to unify the country. Robredo’s battlecry was to fight the Marcoses and prevent them from regaining presidential power. The call gained little, if any, traction and her poll ratings stagnated in the 20s or below,” dagdag pa nito.
Binanggit ng BizNewsAsia ang Abril 2-6 OCTA Research survey na umiskor si Marcos ng 57% kumpara kay Robredo na 22%, o may lamang na katumbas na 21 milyong boto sa panig ni Marcos.
Sinabi rin ng naturang magazine ang resulta ng Laylo Research poll nitong Abril 14-20 na nakapagtala rin si Marcos ng 64% laban kay Robredo na nakakuha ng 21%, o may malaking lamang na 43 points o aabot sa 25.8 milyong boto.
Samantala, sa Publicus Asia naman nitong Abril 19-21, nanatili si Marcos sa 57% kumapara sa 21% ni Robredo na nagbigay kay BBM ng posibleng 21.5 milyong lamang sa boto.
Sa Manila Bulletin-Tangere survey naman nitong Abril 20-22, nakakuha si Marcos ng 51.54%.
Nasa malayong ikatlo lamang si Robredo na may 18.25%. Lamang si BBM ng 33.29 points o aabot sa katumbas na 20 milyong boto.
“Averaging these four April 2022 surveys (OCTA, Laylo, Publicus and Tangere) shows BBM with a commanding 57.38% share of the vote, nearly a three-to-one advantage over Robredo’s 20.56%,” anang BizNewsAsia.
Ayon pa sa magazine, ang 57.38% voting preference ni Marcos ay pwedeng magbigay dito ng 34.42 milyong boto sa Mayo 9.
Si Leni naman na nasa 20.56% share ay maaring makakuha lamang ng 12.33 milyong boto kaya malamang na aabot sa 22 milyon o mahigit pa ang magiging kalamangan ni BBM laban sa kanya.