Landslide rin ang pagka-panalo ni incoming president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Overseas Absentee Voting.
Sa ulat mula sa iba’t ibang philippine diplomatic posts at sa mismong Commission on Elections Transparency Media Server, nakakuha si Marcos ng 330,231 votes kumpara sa 89,624 ni Vice President Leni Robredo.
Sa Asia Pacific Cluster, kabilang ang China, Japan, Australia, Thailand, Malaysia, Korea, Singapore at Taiwan, nakakuha naman si BBM ng 159,186 votes kumpara sa 35,862 ni Robredo.
Ang pinakamaraming boto na nakuha ni Marcos ay mula sa Singapore, na sinundan ng Japan at Taiwan.
Ganito rin ang naging resulta hanggang Middle East at Africa cluster, na binubuo ng Lebanon, Qatar, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, United Arab Emirates, Bahrain, Saudi Arabia, Amerika at Europe clusters.