Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation (SONA) kahapon na kanilang ipatutupad ang sound fiscal management, gayundin ang paglalagay ng tax admin reforms upang madagdagan ang koleksiyon sa kita ng bansa.
Ayon sa pangulo, magkakaroon ng adjustment sa tax system kabilang na ang imposition ng Valued Added Tax (VAT) sa digital service providers upang mabilis na makahabol ang bansa sa development ng digital economy.
Maliban dito ay nangako rin si PBBM na mas pagtitibayin ang agriculture value chain ng mga magsasaka sa bansa sa pamamagitan ng paglalabsa ng executive order hinggil sa one-year moratorium ng land amortization and interest payments bilang pagsuporta sa mga ito.
Samantala, hinikayat din ng punong ehekutibo ang kongreso na magpasa ng batas na magbubura ng utang ng nasa 654,000 na agrarian reform beneficiaries.