INIHAYAG ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr., na bahagi ng kanyang prayoridad ang protektahan at i-preserba ang kalikasan kasabay ng paggiit na isusulong niya ang mga programa na magbabalanse sa pag-unlad ng ekonomiya at mangangalaga sa kalikasan.
“Nature has its rights that should be protected. It should be allowed to flourish, reproduce and attain its abundance side by side with human civilization in perfect balance and harmony with our growing communities. We should do this if we want to safeguard the most vulnerable members of our society from the onslaught of natural calamities,” ayon sa pahayag ni Marcos.
Kabilang sa kanyang programa ay ang paglikha ng Department of Disaster Resilience na katulad ng Federal Emergency Management Agency (FEMA) sa Estados Unidos, bilang epektibong modelo para sa disaster resilience na naglalayong kumonekta sa iba’t ibang sangay ng ahensya.
“It should be integrated in the agencies like DOST for the forecast of the weather, LGUs for the preparedness, DSWD for response and NEDA for rehabilitation among others,” paliwanag ni Marcos.
Isusulong din niya ang reforestation at pagpapatupad ng mas istriktong batas para sa anti-illegal logging kasabay ng paglikha ng industrial forest plantations para mag-supply sa market demand ng kahoy.
Sa pagmimina naman, iginiit ni Marcos na ipatutupad ng kanyang administrasyon ang maayos na pakikipag-ugnayan sa lahat ng mga stakeholder sa pagmimina para masigurong hindi ito maabuso at sa halip ay makatutulong ito sa muling pagbangon ng bansa mula sa pandemya.
Plano rin niyang lumikha ng Department of Water and Resources Management para masiguro na ang malinis at ligtas na tubig ay nakaaabot sa lahat ng Filipino.
Kabilang din sa tutugunan niya ang problema sa solid waste management kasama na rito ang “waste to energy programs” na dapat ay masigurong magbibigay ng kita sa bawat mamamayan.
Isusulong din ng kanyang gobyerno ang paglikha ng isang ecology-based Disaster Risk Reduction program na maglalayong proteksyunan ang kalikasan.
Giit pa ni Marcos, ang bansa ay nabibiyayaan ng likas na yaman katulad ng minerals, kagubatan, agricultural lands, water, fisheries at iba pa.
“The Philippines is even recognized as one of the leading producers of nickel in the whole world which is widely in demand abroad,” ani Marcos kasabay ng pahayag na dapat ay masigurong magagamit ng tama ang lahat ng ating resources para tuluyan ng makabagon ang ating ekonomiya mula sa pandemya.