Muling nanguna sa pinakabagong Presidential survey na isinagawa ng Issues and Advocacy Center o The CENTER si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Batay sa naturang survey na isinagawa mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 9, na nilahukan ng 2,400 na respondents, 23.5% ang nagsabing nais nilang maging Pangulo ng bansa si Marcos Jr., habang pumangalawa naman si Senator Manny Pacquiao na may 19.75%.
Sinundan ito nina, Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha ng 18%; Vice President Leni Robredo na may 14%, Sen. Panfilo Lacson na may 12.50%, Sen. Bato dela Rosa sa 7.75% at kabilang din si Ka Leodegario de Guzman na nakakuha ng 3.25%.
Matatandaang, namayagpag din si BBM sa inilabas na resulta ng 3rd quarter Presidential survey ng PUBLiCUS Asia Inc. kamakailan.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Marcos Jr. sa kanyang mga tagasuporta.