Muling nanguna si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa Presidential Preference Online Survey ng Manila Bulletin.
Isinagawa ang survey noong Oktubre 15-17, 2021 sa official website, Facebook at Twitter ng Manila bulletin.
Nakakuha si Marcos ng 71% 635,079 na boto mula sa 892,800 respondents.
Pumangalawa naman si Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 25% o 225,580 na boto.
Habang sina Manila Mayor Isko Moreno, Senators Ronald “Bato” Dela Rosa, Emmanuel “Manny” Pacquiao at Panfilo “Ping” Lacson ay nakakuha ng tig-apat na porsyento.
Mababatid na nagsagawa rin ng kaparehong online poll ang Rappler kung saan nanguna rin si Marcos matapos makakuha ng 54% na boto.—sa panulat ni Hya Ludivico