Muling nanguna si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pinaka-bagong Social Weather Stations (SWS) Presidential Survey na kinomisyon ng stratbase ADR Institute.
Humakot ng 50% si Marcos habang nakakuha si Vice President Leni Robredo ng 19% sa isinagawang survey sa 1,200 respondents noong January 28 hanggang 31.
Tabla sa ikatlong pwesto sina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Senador Manny Pacquiao na kapwa umani ng 11%.
Nakakuha naman si Senador Panfilo “Ping” Lacson ng 6% na sinundan ni Labor Leader Leody De Guzman na may point 3%; Jose Montemayor, point 1%;
Dating presidential spokesman Ernie Abella at Faisal Mangondato, na kapwa nakakuha ng point 04%at bagaman kasama si dating national security adviser Norberto Gonzales, walang sinumang respondent ang pumili sa kanya.
Samantala, 3% ng mga respondent ang undecided o walang napiling kandidato.