Kasalukuyang nasa Australia si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang magpahinga, matapos manguna sa partial and unofficial tally ng COMELEC.
Kinumpirma ni Atty. Vic Rodriguez, spokesman ni BBM, na kasama ni Marcos para sa private trip ang pamilya nito upang i-enjoy ang nalalabi niyang mga araw bilang pribadong mamamayan.
Mismo anyang si Philippine Ambassador to Australia Helen Dela Vega ang nagparating ng impormasyon sa kanila.
Nagkataon din na kaarawan ng anak ni Marcos na si Vinny, na una nang napaulat na mag-e-enroll sa University of Melbourne.
Nakausap na rin umano sa telepono ni Australian Prime Minister Scott Morrison si BBM upang batiin sa pagkapanalo nito sa eleksyon.