Iniabot na ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos ang kanyang partial payment na 36 million pesos sa Supreme Court na tumatayong Presidential Electoral Tribunal o PET sa kanyang election protest laban kay Vice President Leni Robredo.
Kasama ang abogadong si Victor Rodriguez, dumating si Marcos sa SC compound sa Padre Faura Street sa Maynila upang i-abot sa Clerk of Court ang tsekeng nagkakahalaga ng 36 million pesos.
Sa liham na ipinadala sa PET, inihayag ng mga kaibigan at supporter ng natalong vice presidential candidate na kanilang ibibigay ang ikalawang bahagi ng payment na nagkakahalaga ng 30 million pesos sa July 14 o bago ang nasabing petsa.
Nakasaad sa liham ang listahan ng apatnapung (40) donor na tumulong sa paglikom ng 36 million pesos kabilang ang isang Alfredo Roa ng Intramuros, Maynila at Ruby Diaz Roa ng Makati Garden Club.
Nilinaw naman ni Marcos na hindi kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte, na may middle name na Roa ang mga nasabing donor.
By Drew Nacino
BBM nakapagbayad na ng 36M sa election protest vs. VP Leni was last modified: April 18th, 2017 by DWIZ 882