GAYA ng inaasahan, namayagpag na naman si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa magkahiwalay na survey ng dalawang pahayagan sa bansa.
Base sa survey ng Manila Times na isinagawa noong Oktubre 26 hanggang Nobyembre 2 ngayong taon, tinanong ang mga respondents kung sino ang iboboto nilang pangulo sakaling sa araw na iyon gagawin ang eleksyon.
Lumitaw na 68% sa mga botante ay suportado si Marcos habang nakabuntot naman sa kanya sina Vice President Leni Robredo (10.8%), Manila Mayor Isko Moreno (7.9%), Sen. Manny Pacquiao (7.2%), Sen. Ping Lacson (2.5%), at Sen. Bato Dela Rosa (1.5%).
Maliban dito, humataw din si BBM sa Luzon (60%), Visayas (64.4%), at Mindanao (78%).
Samantala, nagkasa rin ng presidential survey ang pahayagang Manila Bulletin kung saan nasa 1.1 million netizens ang tumugon dito habang 689,000 ang nagsabing ang dating senador ang kanilang isusulat sa balota.
Naiwan naman si Robredo na nakakuha lamang ng 224,000 reactions habang si Moreno ay naka-211,000 reactions na sinundan ng iba pang kandidato na sina Dela Rosa (4,400), Pacquiao (2,800), at Lacson (2,300).