Napanatili ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pangunguna sa survey matapos makapagtala ng 64% voter preference sa final survey ng Laylo Research na isinagawa nitong Mayo 1-4.
Habang nasa pangalawang puwesto pa rin si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo na mayroong 24%.
Tabla naman sa ikatlong pwesto sina Senator Manny Pacquiao at Mayor Isko Moreno na kapwa nakakuha ng apat na porsyentong voter preference.
Samantala batay naman sa final survey ng Social Weather Stations (SWS) OCTA Research at Pulse Asia nitong Mayo at Abril nasa unang pwesto pa rin si Marcos.