Inihirit ni dating senador Bongbong Marcos sa pamahalaan na isama sa Special Risk Allowance (SRA), hazard pay at iba pang mga benepisyo ang mga non-medical frontline staffs na nagtatrabaho rin sa mga ospital at quarantine facilities sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos na ‘sana all’ ay mabiyayaan ng mga benepisyong nararapat para sa kanila.
Paliwanag ng dating senador na ito’y dahil pare-pareho namang sinusuong ng mga medical at non-medical frontliners ang banta ng virus.
Sa huli, iginiit pa ni Marcos na nakalulungkot lang isipin na kinakailangan pang humantong sa pag-aaklas ng mga frontliners para lamang mabigyang katugunan ang kanilang kahilingan.