Patuloy na nangunguna sa presidential survey si Partido Federal ng Pilipinas standard bearer Bongbong Marcos.
Ito ay matapos makakuha si Marcos ng kabuuang 62.17% preference votes sa huling kalye survey results mula sa 112,742 respondents sa buong bansa.
Ayon sa Splat Communications, aabot sa 70,088 o katumbas ng 62.17% ang bumoto para maging pangulo ng bansa si Marcos mula sa inilabas na tanong noong January 27 na: ‘kung ngayon gagawin ang eleksiyon, sino ang ibobotong pangulo?’
Nakakuha naman ng botong 10,936 o katumbas ng 9.70% si Vice President Leni Robredo habang pangatlo naman sa survey si Manila City Mayor Isko Moreno na nakakuha ng 8,418 o katumbas ng 7.47%.
Pang-apat si Senator Manny Pacquiao na may 7,048 o katumbas ng 6.25% at panghuli si Ping Lacson na nakakuha ng 2,572 o katumbas ng 2.28%.
Samantala, umabot naman sa 12.13% ang naitalang mga respondents na nananatiling undecided.
Patunay lamang ito na si Marcos ang ‘consistent runaway winner’ dahil malaki ang agwat nito sa kaniyang mga katunggali kung saan, pinakamataas at impresibong nakakuha ng 80% si Marcos mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, at Cagayan Valley.
Sa Bicol Region, nangunguna sa nakakuha ng 46.25% si VP Leni habang pumangalawa naman si bbm na may 24.90%.
Itinuturing naman ng mga eksperto na hindi na rin masama ang nakuhang puntos ni BBM sa Bicol Region, dahil nasasakupan ito ni Robredo.
Sa kabila nito, dagsa parin ang suportang natatanggap ng BBM-Sara UniTeam mula sa mga netizens.