Nananatiling numero uno sa presidential candidates si dating senador Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.
Base ito sa Pulse Asia Preferential Survey na isinagawa nitong April 16 hanggang 21 kung saan hindi natitinag sa 56% ang ratings ni Marcos mula sa survey nuong buwan ng Marso.
Nasa ikalawang pwesto pa rin si Vice President Leni Robredo sa 23% o bumaba ng isang porsyento mula sa nakalipas na survey.
Sina Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno ay kapwa nasa ikatlong puwesto kung saan umakyat sa pitong porsyento ang ratings ni Pacquiao subalit bumaba naman ng apat na porsyento ang dating walong porsyentong ratings ni Moreno.
Samantala, hindi rin nagbago ang dalawang porsyentong ratings ni Senador Panfilo Lacson na sinundan nina Ernie Abella at Faisal Mangondato na parehong may 1% rating, Ka Leody De Guzman – .3% at sina Norberto Gonzales at Jose Montemayor, Jr. – kapwa may .1% rating.
Ginawa ang survey sa halos tatlong libong respondents na may edad 18 pataas gamit ang face to face interview.