Kinilala bilang most preferred presidential candidate sa rating na 23.5% o ‘very significant’ ang Standard Bearer ng Partido Federal ng Pilipinas. Ferdinand “bongbong” Marcos Jr..
Sa inilabas na resulta ng isinagawang survey ng Issues and Advocacy Center nanguna sa pinupulsuhan ng mga botante bilang pangulo sa halalan 2022 ang dating senador Bongbong Marcos, sinundan ni Sen. Manny Pacquiao sa rating na 19.75 porsyento, habang 18% naman o pangatlo sa pinakamataas si Mayor Isko Moreno.
Nasa higit 2,400 nakiisa at tumugon sa nasabing sarbey.
Ani ni Marcos, ang patuloy na suporta mula sa partido at ibang samahan na naniniwala sa kanyang plataporma ang dahilan ng magandang resulta ng isinagawang survey.—sa panulat ni Joana Luna