UMARANGKADA na naman bilang ‘top preferred presidential candidate’ si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa panibagong presidential surveys ngayong Nobyembre, taong 2021.
Batay sa pinakahuling survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. mula November 16-24 na nilahukan ng 10,000 respondents, nasa 24% ang pumili kay Marcos Jr. bilang kanilang presidente na sinundan ni Manila Mayor Francisco Domagoso na nakakuha ng 22%.
Kaya naman, malinaw sa broadsheet polls na patuloy na umaani ng popularidad at suporta si Marcos sa kabila ng mga petisyon at propaganda laban sa kanya.
Humataw rin si Marcos sa Manila Times Oct. 26-Nov. 2 survey kung saan nakakuha ito ng 68% na suporta mula sa 1,020 respondents.
Sa multi-platform survey ng Manila Bulletin mula November 19-21, lumitaw naman na mananalo si BBM ng 71.5% ng mga boto kung gaganapin ang eleksyon sa mga nabanggit na petsa. Sa 68% at 71.5% na paborableng boto para kay Marcos, kahit pagsamahin ang mga boto ng kanyang mga katunggaling kandidato ay hindi pa rin sapat para maungusan siya.
Sa hiwalay namang independent at non-commissioned poll ng PUBLiCUS Asia Inc. na tinawag na “Pahayag: Final List” mula November 16-18 na nilahukan ng 1,500 respondents na registered voters, mula sa market research panel ng mahigit 200,000 Filipinos, sinabi ng PUBLiCUS na “former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM) holds commanding leads across all regional groups. His lead is widest in NCL (Northern and Central Luzon) and MIN (Mindanao).”
“Upon comparing the numbers with those obtained from the PAHAYAG: Q3 survey, we find that BBM posted a gain of around 7%,” dagdag pa nito.
Samantala, November 15 nang kumpirmahin ng Social Weather Stations (SWS) ang resulta ng kanilang October 22-23 Stratbase-commissioned face-to-face survey conducted na nilahukan ng 1,200 registered voters sa buong bansa.
Sa isa namang news article, sinabi ng Eurasia Group consultancy na “without the popular [Sara] Duterte-Carpio in the presidential race, Marcos is frontrunner, with 60% odds of victory, though there is a long road ahead.”