Pabor si presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpatuloy ang “No vaccination, no ride” policy.
Ito ang inihayag ni Marcos sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa ekslusibong panayam ng A.L.C. Media Group sa pangunguna ni Chairman D. Edgard Cabangon, sa Makati City, kahapon.
Gayunman, nilinaw ng dating Ilocos Norte Governor na dapat magkaroon ng mas bagong estratehiya ang gobyerno dahil sa katunayan ay nakalilito ang nasabing polisiya.
Halimbawa na lamang nito ang pagkakaroon ng hiwalay na masasakyan ng mga unvaccinated gaya ng hiwalay na bagon para sa mga babae at lalakeng pasahero sa LRT line 1.