Plano ni dating Senador Ferdinand Bong Bong Marcos, Jr. na tumakbo sa 2022 National Elections.
Gayunman, hindi tinukoy ni Marcos kung anong puwesto ang tatakbuhan subalit inamin nitong bukas siyang makipag tandem kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na umanoy target pumalaot sa Presidential Elections.
Magugunitang nakipag kita at nakipag pulong si Marcos kay Mayor Sara nuong buwan ng Mayo, dahilan para lumutang ang anggulong posibleng tambalan ng mga ito sa 2022 National Elections.