Inihayag ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na ang pagpili ng publiko sa kanilang tamabalan ni vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte ay tunay na pagkakaisa ng sambayanan sa buong bansa.
Ito ang iginiit ni Marcos Jr., sa isinagawang motorcade caravan ng BBM-Sara Uniteam na halos hindi makausad sa kahabaan ng Commonwealth na napuno ng kulay pula at berde ng kanilang mga supporters.
Pasado alas-otso ng umaga nang simulan ang motorcade sa tapat ng Commission on Audit sa sa Commonwealth na nagtapos sa Welcome Rotonda pasado ala-una ng hapon dahil sa dami ng lumahok sa nasabing caravan.
Ikinagulat ni Marcos Jr. Ang pagdagsa ng kanilang tagasuporta kung saan hindi naman nila ito inaasahan.
Aniya, kung maibibigay sakanilang tambalan ang boto ng taumbayan ay magiging mabuti at maganda ang kinabukasan ng ating bansa.
Kasabay nito, nagpasalamat ang BBM-Sara Uniteam sa pamunuan ng Quezon City, partikular kay Mayor Joy Belmonte para sa okasyon na ginanap sa kanilang lungsod.
Humingi naman ng paumanhin ang BBM-Sara Uniteam sa naapektuhan ng trapiko dahil sa hindi inaasahang pagdagsa ng tao.