Nagdulot ng mabigat na daloy trapiko sa ilang bahagi ng Quezon City ang isinagawang Grand Caravan ng kampo ni presidential aspirant, dating senador Bongbong Marcos at running mate nitong si davao city mayor Sara Duterte – Carpio, kahapon.
Pinaka-matinding naapektuhan ang kahabaan ng Commonwealth Avenue partikular sa Diliman kung saan nagsimula ang motorcade na nagtapos sa Welcome Rotonda.
Kahit holiday kahapon at walang trabaho, maraming motorista ang hindi nakadaan sa Commonwealth kaya’t inabisuhan ang mga ito ng QC LGU at MMDA na bagtasin na lamang ang mga alternatibong ruta.
Dahil dito, ilang motorista at netizen ang nagbulalas ng kanilang pagkadismaya sa social media.
Samantala, humingi na ng paumanhin ang kampo nina Marcos at Duterte – Carpio sa mga naabalang motorista.