Pormal nang inihayag ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na kanila nang ikinokonsidera bilang presidential candidate si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa 2022 National Election.
Ito’y matapos magpasa ng resolusyon ang naturang partido kung saan kinumpirma rin nito na si Davao City Mayor Sara Duterte ang party chairperson at kanilang magiging vice presidential candidate.
Bukod dito, isa pang resolusyon ang pinasa ng partido na nag-ootorisa sa presidente ng partido, House Majority Leader and Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez na pumasok sa pakikipag-alyansa sa iba pang mga partido.
Ang mga nasabing resolusyon ay pirmado nina Inday Sara, Lakas-CMD Co Chairperson at Senator Ramon “Bong” Revilla, Romualdez at iba pang execom members.