Pinapurihan ni presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pag-atras ni Senador Christopher “Bong” Go sa Halalan 2022.
Ayon kay Marcos, isa itong selfless gesture.
Tiwala ang dating senator na senyales ito nang pagsasanib puwersa ng kasalukuyang administrasyon at ng tamabalan nila ni Davao City Mayor Sara Duterte.
Samantala, ikinalungkot naman ni BBM ang pag-atras ni Pangulong Rodrigo Duterte sa senatorial bid.
Giit ni Marcos, maraming nagawa ang pangulo sa bansa sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Nirerespeto aniya ng BBM-Sara Uniteam ang naging desisyon ni Duterte sa pag-withdraw ng kanyang certificate of candidacy.
Sinabi pa ni Marcos na ipagpapatuloy ng BBM-Sara Uniteam ang mga programang nasimulan ng administrasyong Duterte.