Pinangalanan na ng tambalan nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City mayor Sara Duterte ang anim na senatorial bets na pasok sa kanilang slate kung saan kabilang dito ang ilang dating miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang Online Manila Virtual Caravan, inanunsiyo ng BBM-Sara Uniteam na kabilang sa kanilang senatorial slate sina former senator Jinggoy Estrada, Senator Sherwin Gatchalian, former defense secretary Gibo Teodoro, former palace spokesperson Harry Roque, former public works secretary Mark Villar, former Quezon City mayor Herbert Bautista, at Antique rep. Loren Legarda.
Maliban kay Legarda, lahat ng senatorial candidates na kabilang sa line-up ay lumahok sa online caravan.