Daan-daang libong supporters nina dating Senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio ang lumahok sa caravan for peace, unity and progress bilang pagpapakita ng pwersa.
Sa kauna-unahang pagkakataon, inilunsad ang sabayang BBM-Sara uniteam cavalcade, simula alas-8 ng umaga kahapon sa 45 lungsod at bayan sa Mindanao, Bicol, Calabarzon, Abra, ilang bahagi ng Northern Luzon at Metro Manila.
Ang serye ng caravan ay dinaluhan nina Marcos at Duterte – Carpio sa Davao del Norte, na una nilang pagsasama simula nang magdeklara ng kani-kanilang kandidatura.
Sa isang malawakang show of force sa bayan ng Carmen at Tagum City, nag-mistulang dagat ng pula at berde ang mga kalsada makaraang bumuhos ang mahigit sampung libong supporters ng bbm-sara tandem.
Kapwa hinarap ng dalawa ang kanilang supporters at pinasalamatan ang mga ito kasabay ng pangako ni Marcos na babangon muli ang mga pilipino habang nanawagan ang alkalde ng pagkakaisa.