Aabot sa 28.6 milyon pesos na tulong pinansyal at 48.3 milyong pisong halaga ng relief goods para sa mga biktima ng bagyong Odette sa 11 probinsiya ang naipamahagi ni presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos Jr., at ka-tandem nito na si vice presidential aspirant at davao city mayor Sara Duterte.
Naghatid rin ang BBM-Sara uniteam ng 1 milyon pisong halaga ng construction materials, ilang sako ng bigas, portable solar panel system, 11 units ng bucket water filter system, 77 solar flashlight na may charger, 40 sako ng tsinelas at iba pang mga gamit.
Noong Disyembre 19 at 20, nagbigay rin ng cash assistance at iba pang relief goods sa walong probinsya ang uniteam sa Siargao Island sa Surigao Del Norte, Masbate, Capiz, Negros Occidental, Southern Leyte, Butuan City sa Agusan Del Norte, Bohol at Cebu.
Aabot sa 15 milyon pisong halaga ng financial assistance at 23.3 milyon pisong halaga ng relief items ang naibigay sa mga biktima ng kalamidad.
Bumalik muli ang dalawa sa Southern Leyte at Siargao Island at Cebu upang mamahagi ng second tranche ng tulong.
Unang binisita ng BBM-Sara tandem ang Dinagat Islands at namahagi ng 1 milyon pisong financial assistance, at 1,000 sako ng bigas ang binigay sa lokal na pamahalaan.
Personal rin na inabot nina Bongbong Marcos at Sara Duterte ang 1 milyong pisong cash assistance, mga suplay ng bigas at tsinelas at 10 unit ng bucket water filtration system kay Dinagat Island Rep. Alan Ecleo.
Sina Ecleo at Bag-Ao ay hindi magka-alyado sa pulitika.
Tinungo rin ng uniteam ang Palawan at personal na inabot kay Gov. Pepito Alvarez ang 2 milyon pisong financial assistance at 2,000 sako ng bigas.
Nag-abot rin ang uniteam ng mahigit 700,000 pisong cash assistance sa pitong alkalde ng Palawan.
Gayundin sa lahat ng pitong mayors ng Cebu Province para itulong sa mga biktima ng kalamidad.
Nagbigay rin sina Marcos at Duterte ng 200,000 piso kay Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron para sa lahat ng biktima ng nagdaang bagyo.
Nakatanggap rin ang Lapu-Lapu City Rep. Paz Radaza ng 1 milyon pisong cash assistance mula sa uniteam at 2,000 sako ng bigas.
Habang 1 milyon piso rin ang binigay kay Liloan Mayor Christina Frasco at 3,000 sako ng bigas.
Maliban sa mga nabanggit na lugar, nagbigay rin ng tulong ang Southern Leyte, Surigao Del Norte , Gen. Luna, Siargao, at Negros Oriental