Hinimok ng BBM Sara UniTeam ang Commission on Higher Education (CHED) na ipagpaliban ang nakaambang pagtaas ng tuition kung saan inaprubahan para sa Academic Year 2021-2022.
Sinabi nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at kanyang ka-tandem na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte, na ang pagtaas ng tuition ay lalo lamang makakadagdag sa paghihirap na dinaranas mamamayan.
Ayon sa inilabas na memorandum ng CHED noong Disyembre 6, 2021, pinayagan ang 56 na pribadong HEIS na magtaas ng tuition at iba pang school fees.
Ang nasabing memorandum ay naipadala na sa mga opisyales ng CHED, sa mga Regional Offices nito, at sa mga presidente ng mga pribadong unibersidad at kolehiyo sa buong bansa.
Samantala, batay sa listahan ng CHED, 14 na HEIS sa Metro Manila ang pinayagang magtaas ng kanilang tuition at iba pang school fees.
Kabilang din sa iba’t ibang rehiyon na pinayagang magtaas ay sa Region 1, 8; Region III, 7; Region 4, 3; Region 5, 5; Region 6, 4; Region 7, 1; Region 9, 1; Region 10, 9; Region 11, 3; at sa CAR, 1.