Muling humataw ang tambalan nina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa presidential at vice presidential survey ng Manila Bulletin at Tangere.
Nabatid na isinagawa ang nationwide survey noong Jan. 18 hanggang 19, 2022, na nilahukan ng 2,400 respondents sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa presidential candidates, umarangkada si Marcos matapos makakuha ng 57.67 percent.
First choice din ng mga respondents si Mayor Sara na nakakuha ng 53.17 percent sa vice presidential aspirants.