Plano ng tandem nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos at davao city mayor Sara Duterte na gawing “sea patrollers” ang mga Badjao o kilala ring ”sea gypsy”.
Naniniwala ang BBM-Sara Uniteam na ang mga Badjao na magiging mahusay na mga “bantay dagat’ ang mga Badjao dahil na rin sa kanilang likas na galing sa paglangoy at sapat na kaalaman tungkol sa mga karagatan.
Layon din ng nasabing programa na maprotektahan ang marine environment at maiwasan ang illegal fishing.
Tiniyak naman ng Uniteam na mabibigyan ng iba pang kabuhayan at edukasyon ang mga Badjao upang hindi na sila manlimos.
“Like most filipinos, they (Badjaos) too aspire for a brighter future. We see livelihood and education as the two essential elements to lift them out of poverty. We commit to giving that to them. No one will be left behind. Sama-sama tayong babangon muli, ” pahayag ng BBM-Sara Uniteam.