Nagpahayag ng suporta sa BBM-SARA Uniteam ang apatnapu’t apat (44) na alkalde mula sa lalawigan ng Cebu bilang opisyal nilang pambato sa nalalapit na 2022 national elections.
Ginawa ang hakbang kasabay nang pagdalo nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at vice-presidential bet Inday Sara Duterte sa regional planning conference ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa pangunguna ni Chapter President Mayor Ma. Esperanza Christina Frasco.
Matatandaang sinelyuhan na rin ang alyansa ng pamunuan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-CMD, Hugpong ng Pagbabago (HNP) at Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) para isulong ang BBM-SARA Uniteam sa nalalapit na eleksyon.
Kaagad namang nagpasalamat si Marcos sa mga alkalde sa Cebu na sama-samang nagpahayag ng suporta sa kandidatura nilang dalawa ni Inday Sara.
Sinabi ni Frasco na wala nang iba pang presidential candidate ngayon ang may kakayahan at karanasan na katulad ni Marcos.
Subok na aniya ang track record ni BBM matapos nitong maglingkod bilang gobernador, bise-gobernador, kongresman, at senador.