INIHAYAG ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na popondohan niya ang pagsasaliksik sa mga alternatibong sangkap ng mga animal feeds para mapababa ang presyo ng karneng baboy sakaling palarin siyang magwagi sa papalapit na pambansang halalan sa Mayo 9.
Naniniwala si Marcos na ang pagsandig ng bansa sa mga imported na materyales upang makagawa ng mga feeds ay nakakadagdag sa mataas na gastos sa produksyon ng mga nag-aalaga ng baboy.
“Our dependence on imported ingredients for our local animal feed production is one of the reasons why the price of pork products remains high in the country. Reducing or eliminating this would ultimately lead to reduced farm gate prices,” sabi ni Marcos.
Ang mga feeds ay ang pinakamahal na gastusin sa swine farming, kung kaya’t ang nag-aalaga sa bansa ay mas mataas ang ginagastos kaysa sa mga bansang Vietnam at China, ayon sa 2021 data.
Katunayan, ang feeds ay katumbas ng 54.64% ng gastos sa backyard raisers at 64.53% para naman sa commercial raisers.
“There is ongoing research for the use of copra meal and cassava as an alternative feed ingredient and we will support that initiative. Alongside this, we will look into improving the yield of cassava to make it readily available as raw material,” dagdag pa ni Marcos.
Ayon sa 2020 data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang lokal na produksyon ng baboy ay isang P249.66-B na industriya na pangunahing binubuo ng mga backyard raisers.
Kakulangan sa suppy pa rin ang nangungunang problema sa lokal na produksyon ng baboy, na bumagsak ng 6.9% kasabay ng pananalasa ng African Swine Fever (ASF) noong 2020.
“There is also an urgent need for us to revive our local corn production because the high tariff imposed on imported corn drives the price of feeds further, ani Marcos.
Ipinunto rin ni Marcos na pagdating sa protina na bahagi ng mga feeds, ang imported na soybeans pa rin ang pangunahing pinagkukunan sa kabila nang ang lokal na sorghum, Azolla, o copra meal ay nagpapakita ng potensiyal bilang kapalit.
Malamig din siya sa panukalang tanggalin na ang ban sa pag-angkat sa ibang bansa ng animal proteins dahil aniya ay maaaring maging dahilan ito ng muling pananalasa ng ASF sa bansa.
“We need to carefully weigh the pros and cons of the proposal to lift the ban on processed animal protein. The local hog industry is just beginning to recover. We cannot risk this sector to be devastated again by ASF,” pahayag pa ni Marcos.