Tumangging kumpirmahin o itanggi ni dating Senador Ferdinand “Bong-bong” Marcos ang balitang iniyendorso na siya ng religious group na Iglesia ni Cristo.
Ito’y bilang iiyendorsong kandidato umano ng nasabing religious group para sa pagkapangulo sa darating na halalan sa susunod na taon.
Sa isang panayam, tila natigilan si Marcos nang tanungin siya hinggil sa usapin lalo pa’t umugong ang presensya nito sa templo central kamakailan.
Nabatid na maliban sa dating Senador ay ipinatawag din umano ng pamunuan ng INC ang kaniyang inang si dating Unang Ginang at dating Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos gayundin ang kapatid nitong si Sen. Imee Marcos.