Tinambakan ni Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer at dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang ilang Presidential aspirant sa kalye surveys ng iba’t ibang vloggers.
Sa isinagawang kalye survey mula Oktubre 1 hanggang 11, mahigit 60% ng mga respondent ang nagsabing si Marcos ang iboboto nila sa may 2022 Presidential election.
Kabilang din sa pinagpilian sina Vice President Leni Robredo, Senators Manny Pacquiao, Panfilo Lacson, Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, Mayors Isko Moreno ng Maynila at Sara Duterte ng Davao City.
Umani si Marcos ng 1,307 votes mula sa kabuuang 2,137 respondents habang pangalawa si Moreno na may botong 345; Robredo, 231; Pacquiao, 125; Lacson, 89; Bato, 23 at Duterte, 17.
Isinagawa ang surveys ng mga vlogger na nag-ikot sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at CALABARZON at kumausap ng mga taong nasa kalsada, mga bumibili at nagtitinda sa maliliit na tindahan at mga palengke.
Sinabi ng mga vlogger na kahit walang scientific methodology na ginamit sa naturang survey, pinapakita naman umano ng mga ito ang personal na saloobin ng mga respondent.—sa panulat ni Drew Nacino