Hindi pa rin nabuwag si presidential candidate ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang numero uno sa presidential race batay sa survey ng independent monitoring group na OCTA Research.
Sa resulta ng “Tugon ng Masa Survey” noong April 22 hanggang 25, nakapagtala si Marcos ng 58% preference votes mula 2,400 respondents.
Kumpara ito sa 57% preference votes na nakuha ni BBM Sa survey ng OCTA noong April 2 hanggang 6.
Pinakamataas na preference votes ay nakuha ng dating senador sa Visayas regions na may 62%; Balanced Luzon, 59 percent; Mindanao, 56% at National Capital Region (NCR), 46%.
Pumapangalawa pa rin si Vice President Leni Robredo na mayroong 25% preference votes kumpara sa 22% na naitala sa nakaraang survey.
Bagaman bumaba ng isang porsyento ang rating, pangatlo pa rin si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, 8%; Senator Manny Pacquiao, 5 percent at Senator Panfilo Lacson, 2%.
Nakakuha naman ng 1% si Faisal Mangondato habang kapwa zero point 2% kina dating Defense Secretary Norberto Gonzales at Labor Leader Leody De Guzman.