Nangunguna pa rin sa puso ng mga pilipino si dating senador Ferdinand Bong Bong Marcos.
Ito ang binigyang diin ni Thompson Lantion, Secretary General ng Partido Federal ng Pilipinas matapos manguna si Marcos sa isinagawang presidential poll ng Manila Times kung saan 68% ng respondents ang pumabor sa dating senador.
Ayon kay lantion, minsan nang napatunayan na ang kultura ng mga pilipino na palaging namamayani ang inaapi o underdog kayat patuloy sa pamamayagpag si Marcos sa mga 2022 presidentiables.
Hindi aniya magtatagumpay ang anumang kasinungalingan at mga gawa gawang kontrobersya laban kay Marcos na patuloy na nagpapakumbaba para sa pagkakaisa ng mga pilipino.
Batay sa survey result ..10.8% ang pumabor kay Vice President Leni Robredo, 7.9% si Manila Mayor Isko Moreno, 7.2% si Senador Manny Pacquiao, 2.5% si Senador Panfilo Lacson at 1.5% si Senador Ronald Bato Dela Rosa.
Ang nasabing survey ay isinagawa sa pagitan ng October 26 hanggang November 2 kung saan nasa 1, 500 registered voters ang nagsilbing respondents kasabay nang paglutang ng Oxford diploma controversy laban kay Marcos.