From the success of the beloved SM Turon comes our latest sensation. Say hello to BBQ
Master! It's tender, tasty, and ready-to-cook, making it perfect for any get-together.
Mula sa inyong pinagkakatiwalaang pangalan sa kalidad at abot-kayang presyong mga produkto, ipinakikilala ng SM Markets ang kanilang bagong handog sa lahat ng shoppers: ang BBQ Master. Sunod sa tagumpay ng SM Turon, ipinagmamalaki ng SM ang masarap, malambot, at easy to cook na marinated pork BBQ on stick, na siguradong magiging mahalagang bahagi sa lahat ng salu-salo.
Media guests enjoying the BBQ Master
Tinaguriang “Ang National Merienda” ang SM Turon at tunay na katangi-tangi ang lasa, kalidad, at abot-kayang presyo nito. Ang SM Turon ay tunay na pumukaw sa puso at panlasa ng mga Pilipino—mapa-commuter na nagmamadaling umuwi, mga pamilyang nagpapahinga pagkatapos mag-grocery, o kaya naman office workers na nasa meeting. Una itong inilunsad noong 2013 at ngayon ay nabebenta ng mga 60,000 na piraso araw-araw.
Patuloy na maghahatid ng sarap sa bawat salu-salo ang SM Markets kasama ang BBQ Master. Ang lambot at lasa nito ay swak sa panlasang Pinoy. Mura na, pinadali pa ng SM ang paghahanda ng BBQ kaya swak din ito sa mga salu-salo tulad ng birthdays, Christmas parties o kahit isang simpleng handaan.
SM Markets mascots Cassie and Casey with Customer Assistants presenting SM’s Christmas gifts for the guests
Bakit BBQ Master?
Sa puso ng tradisyong Pilipino, hindi lamang isang putahe ang barbecue, isa ito sa sentro ng hapag-kainan kung saan nagtitipon-tipon ang mga bisita. Hindi ba’t mas masarap ang kwentuhan kapag may barbecue? At dahil pinadali nga ng SM ang paghahanda sa BBQ Master, mas nabibigyan nito ng maraming oras ang bawat pamilya at magkakaibigan na bumuo ng masasayang alaala.
Sarap Na Walang Kapantay: Pinag-aralang mabuti ng SM ang sikretong marinade na nagbibigay ng di malilimutang lasa ng BBQ Master, na tiyak na hahanap-hanapin sa bawat handaan, tuwing Pasko man o sa kahit anong okasyon.
Ready to Cook: Nais ng SM na pabilisin ang iyong paghahanda. Hindi na kailangan pang i-marinate, i-season, o itusok sa stick. Iihawin o piprituhin lang ito nang limang minuto sa bawat side. Kung kayo man ay nag-aaral pa lamang na magluto o bihasa na, kayang-kayang i-achieve ang perfect barbecue nang dahil sa BBQ Master.
Ang Sarap Kasalo: Kaugnay sa pangako ng SM na gawing bida ang BBQ Master sa mga salu-salo, maaari nang ma-enjoy ang BBQ Master sa Fiesta Packs. Mabibili ang 30 piraso nito sa halagang P585.00, habang nagkakahalaga naman na P975.00 ang 50 piraso. Sulit na sulit para sa lahat.
Iniimbitahan ng SM Markets ang buong bayan na subukan ang BBQ Master at tikman ang sarap na hatid ng isa sa mga classic Pinoy handa. Mabibili na ito sa piling SM Supermarket, SM Hypermarket at Savemore branches.
BBQ Master is available in select SM Markets stores nationwide
Be on the lookout for weekend sampling activities of BBQ Master at select SM Markets stores in Metro Manila