Humingi ng paumanhin at pag-unawa ang pamunuan ng Banco de Oro (BDO) sa kanilang mga kliyente dahil sa patuloy na nararanasang problema sa digital banking nito.
Ayon sa BDO, ang nararanasang problema ay dahil sa mataas na volume usage sa kanilang digital banking kumpara sa normal peak o mga nakaraang araw.
Binigyang diin din ng BDO na kanila na rin ginagawa ang lahat ng hakbang para maisaayos at mai-upgrade ang kanilang serbisyo.
Kasunod nito, nanawagan ang pamunuan ng BDO sa mga kliyente nito na gumamit muna ng ATM o kaya’y bumisita sa pinakamalapit na branch para sa kani-kanilang transaksyon.