Nakatanggap ng reklamo ang BDO Unibank kaugnay sa mga kaso ng fraud sa kanilang ATM o automated teller machines.
Kasunod na rin ito ng mga post sa social media na nagsasabing may mga depositor na nawalan ng pera dahil sa skimming o pangongopya ng account details nila.
Dahil dito, hinimok ng BDO ang kanilang depositors na kaagad i-report sa kanila kung nabiktima o apektado ng ATM fraud.
Pinayuhan ng BDO ang kanilang depositors na kung mayroong unauthorized transactions sa kanilang account kaagad itong i-report sa kanilang branch para maimbestigahan at maresolba ito.
Magugunitang noong isang linggo ay nagka-problema ang BPI matapos makapagtala ng unathorized transactions ang kanilang mga kliyente.
BSP hinggil sa ATM fraud ng BDO
Mino-monitor na ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas ang sitwasyon hinggil sa anito’y posibleng nakumpromisong ATM ng BDO Unibank Incorporated.
Ayon kay incoming BSP Governor Nestor Espenilla, Jr., inaalam na ng ahensya kung ano ang nangyari sa ATM ng BDO base na rin sa mga reklamong ipinost ng netizens sa social media.
Tiniyak ni Espenilla ang pagpapalabas ng official statement kapag nalaman na nila ang naging problema sa mga ATM ng BDO.
By Judith Estrada – Larino