Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal sa isang pelikula ang noo’y na-link na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Sa isang interview ay sinabi ni Bea na noon pa’y marami nang plano sa posibleng pagtatambal nila ni Gerald pero walang natuloy.
“Excited ako kasi parang matagal na. Laging almost dapat magtatrabaho kami pero ngayon lang talaga natuloy. Baka ito yung tamang timing,” Pahayag ni Bea.
Sa panig naman ni Anderson ay excited itong mas marami pang matutunan lalo na sa kagaya ni Alonzo na isa sa pinakamagagaling na aktres ngayon.
Samantala, inamin ng dalawa na medyo naging awkward ang una nilang meeting para sa pelikula.
Anila medyo weird pero kasama na yun lalo’t matapos ang mahabang panahon ay finally magkakasama na sila sa isang project.
Nang tanungin kung may chance ba na ma-develop sila sa isa’t isa ay ito ang tumatawang naging sagot ni Bea:
“Well, it’s too early to tell. Right now, ako parang na-excite ako to see him. Look at him o, ang gwapo. But really, ngayon pa lang, step one pa lang. Hindi ko alam. Mamaya sa look test, balitaan ko kayo,” pahayag nito.
Idinagdag ni Bea na dapat abangan ang magiging karakter niya sa pelikula na isang ‘galawgaw o extrovert’, aniya bago ito dahil ang normal na ginagawa niyang karakter ay ‘tahimik o introvert’.
Habang ang karakter naman ni Gerald ay isang probinsyanong mapagmahal sa pamilya.
Inaasahan na sa susunod na taon maire-release ang pelikula sa direksyon ni Dan Villegas.
Photo: Screengrab/ abs-cbn twitter