Nakatakdang bumida sa tatlong pelikula ang aktres na si Bea Alonzo ngayong taon.
Isa si Bea sa mga masuwerteng artista na may mga nakalinyang proyekto sa kabila ng pandemiyang dulot ng COVID-19.
Batay sa ulat, posibleng simulan na sa susunod na buwan ang shooting ng reunion movie ni Bea at ultimate ka-love team nitong si John Lloyd Cruz.
Habang ikinakasa na rin ang pagbibidahang pelikula ni bea kasama ang aktor na si Alden Richards na siya Philippine adaptation naman ng South Korean film na “A Moment To Remember”.
Ito ang magiging kauna-unahang pelikulang gagawin ni Bea kasama si Alden.
Habang bibida rin si Bea sa isang pelikulang may working title na Birkin scam.
Inaasahang magiging challenging para kay Bea ang naturang pelikula dahil kakaiba ito sa mga karakter na una na niyang ginampanan.
Inaasahang sa Oktubre sisimulan ang shooting ng naturang pelikula na sasailalim sa direksyon ni Erik Matti.