Nasalang sa hot seat ang lead stars ng ‘How To Be Yours’ at former lovers na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Sa kanilang guesting sa ‘Gandang Gabi Vice’ kagabi ay tinanong sila ng host na si Vice Ganda kung may mga tanong ba silang hindi nasabi matapos ang kanilang maikling relasyon, 6 na taon nang nakararaan.
Game naman na nakisama ang dalawa.
Unang nagtanong si Gerald na sinabing: Did you miss me for the last 6 years, sa loob ng 6 years na yun, naisip mo ba ako?
“Oo naman”. Sagot ni Bea.
“When did you stop thinking about me?” Balik na tanong ni Alonzo.
Sinagot naman ito ni Gerald na noon daw ay nahirapan siyang kalimutan ang aktres at aniya’y walang araw na hindi niya ito naiisip.
Mas kinilig pa ang viewers nang tanungin ni Gerald kay Bea na: “Minahal mo ba talaga ako?”
Sinagot naman ito ng dalagang aktres na: “Sobra.”
Pati ang host na si Vice Ganda ay hindi napigilang kiligin, aniya hindi lahat ay kayang sabihin yun sa harap ng maraming tao.
Ibinato din ni Alonzo ang kaparehong tanong sa hunk actor at sumagot itong: “More than you’ll ever know.”
Marami tuloy sa mga fans ang umaasa na muling magkakamabutihan ang dalawa na pareho ngayong single.
Photo: Screengrab from bea alonzo/Instagram