Umabot na hanggang Korte Suprema ang bangayan nina Bea Alonzo at Julia Barretto.
Ito’y matapos mag-tweet si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ng “Dear Bea at Julia is he really worth it? #justasking”
Dear Bea and Julia,
is he really worth it?#JustAsking— Marvic Leonen (@marvicleonen) August 7, 2019
Naaliw naman ang netizens sa tweet ng mahistrado kung saan sinagot nila ito.
May sumagot ng “no” at may sumagot ng “it depends”.
May seryoso pang nagtanong sa mahistrado kung pwede bang ireklamo ni Bea si Gerald dahil sa “psychological violence”.
Una rito, binasag na ni Julia ang kaniyang katahimikan ukol sa isyu nang mag-post ito sa kaniyang instagram account.