Posible nang masimulan ng Philippine Super Liga ang kanilang beach volleyball tournament sa Nobyembre 27 hanggang 29 na gagawin sa Subic, Zambales.
Ito’y makaraang makakuha na ng go signal mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang PSL upang maisagawa ang kanilang liga.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaari nang ilarga ang beach volleyball subalit kailangang naka-bubble type ito tulad ng ginagawa ngayon sa PBA.
Gayunman, patuloy na naghihintay ang PSL board sa pasya ng gobyerno hinggil sa pagsasagawa ng training at tournament sa indoor volleyball league.