Lumutang ang kagandahan at wellness sa idinaos na pinakamalaking health and beauty caravan sa SM Mall of Asia.
Katuwang ang Philippine Hairdressers Association (PHILHAIR) at Philippine Red Cross (PRC).
Layon ng national health and beauty caravan na mabigyan ng bagong buhay ang beauty industry sa pamamagitan ng exhibition of health, beauty at well products sa pagpapakita ng galing ng mga Pilipino sa hair and make up competition at paghahanap ng beauty and wellness ambassadors mula sa iba’t ibang bansa.
Nagpasalamat si SM Supermalls Senior Vice President for Marketing Joaquin San Agustin sa ngalan ni Mr. Hans Sy at SM family sa mga nakasanib puwersa nila sa launching ng health and beauty caravan sa dalawamput dalawang SM malls sa buong bansa para sa misyong makatuklas at mabigyan ng pagkilala ang mga aniya’y creative and innovative local talents.
50 kandidata at kandidato mula sa 25 SM malls sa buong bansa ang sumabak sa Mr. and Ms. Health and beauty ambassadors 2023 sa SM Mall of Asia Music Hall.
Ipinakita ng mga candidate ang magagandang pangangatawan nila suot ang active at formal clothes kung saan pumili ang mga judge ng top 5 female at male candidates na nag advance sa question and answer portion ng kumpetisyon.
Napili sina Mr. SM Muntinlupa Louie Faundo at Ms. Sm Olongapo Central Missia Ishikawa bilang Mr. and Ms. Health and Beauty Ambassadors na may premyong 40,000 pesos.
Ayon kay PHILHAIR President Ricky Reyes, ang nasabing kumpetisyon ay patunay nang pagkakaugnay ng beauty at wellness kaya’t ito aniya ay best contest in the country!
Kabilang sa mga nagsilbing judge sa naturang kumpetisyon ang mga country presidents ng Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association tulad nina Airene Wang ng Malaysia, Sun Hang ng Cambodia, Edward Wong ng Singapore, Wong Kwok wa ng China, Sherly Sheik ng Hongkong, Chao Ka Cheong ng Macau at Theresa Tam at Cheng Jiong Ming ng Thailand gayundin sina Peachy Veneracion ng Carousel Productions at Miss Philippines Earth Water 2022 Angel Santos.
Samantala, ipinakita naman ng mga participants sa make up and hair competition ng caravan ang kanilang talent at skills sa masquerade evening party make up, bridal make up, unisex color styling competition at rebond plus.
Isang modelo ang itinalaga sa kada category para ipakita ang galing ng mga participant sa stylized hair and make u.
Kabilang sa mga ang kampeon sa event sina Daniel Forro sa masquerade event make up, Paulo Torda sa bridal make up, Trisha Marquez sa rebond plus at Marvin Habla para sa unisex color styling competition.
Bukod sa exhibition ng beauty experts, binigyang-diin din sa caravan ang well being sa pamamagitan nang idinaos na blood typing at medical training ng Philippine Red Cross na nagbigay din ng medical assistance sa mga kababaihan at mga bata na nakatira malapit sa mall.
Bukod sa PHILHAIR at Red Cross nakatuwang din ng SM sa national halth and beauty caravan 2023 ang China Bank, Watsons, Binondo Beauty Supply, Bremod, Bio-Reach, Kemans at Philippine Cancer Society.
Para sa mas maraming exciting deals sa wellness and beauty sa SM bisitahin lamang ang www.smsupermalls.com o i-follow ang @smsupermalls sa lahat ng social media platforms nito.