Isang dating police official at beauty queen ang kabilang sa mga panibagong appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y sa katauhan nina dating Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP – CIDG) Chief, Director Benjamin Magalong at Miss Universe 1973 Margie Moran.
Itinalaga si Magalong bilang miyembro ng board of directors ng Philippine National Oil Company habang miyembro ng board of trustees ng Cultural Center of the Philippines si Moran.
Si Moran ay dating asawa ni Davao del Norte 2nd district Representative Antonio ‘Tonyboy’ Floirendo Jr., isa sa mga donor ni Pangulong Duterte noong 2016 presidential campaign.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ng dalawa noong Huwebes, Enero 4.