Isang baby girl.
Ito ang isisilang ni beauty queen Shamcey Supsup Lee sa January 2016 at kanilang panganay ng asawang si Businessman Lloyd Lee.
Ayon kay Shamcey, nag-iisip na sila ng magiging pangalan ng kanilang anak matapos magpa-ultrasound kahapon.
Sa katunayan, ipinabatid ni Shamcey na may listahan na siya ng posibleng pangalan ng kanilang baby girl subalit bahala na aniya ang kaniyang husband na mamili.
Si Shamcey na dalawang taon nang kasal kay Lloyd ay nakatakdang magsilang sa January 2016.
By Judith Larino