Pinadadagdagan na ng Department of Health (DOH) ang bed capacity sa mga pampubliko at pribadong ospital sa posibleng paglobo ng kaso ng COVID-19 dahil sa delta variant.
Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, unti-unti na ring ina-upgrade at pinapalawak pa ang mga pasilidad ng ospital para matugunan ang pangangailangan ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Sa katunayan aniya, mandato nila sa mga pribadong ospital na magkaroon ng kahit 20% at karagdagan pa para sa posibleng muling pagsipa ng kaso.
30% naman aniya sa mga pampublikong ospital habang mahigit 50% naman sa oras na sumirit muli ang bilang ng COVID-19.