Tumataas na ang kapasidad ng mga kamang nakalaan sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 sa mga ospital sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi na lamang sapat kundi marami na ngayon ang bed capacity para sa mga COVID-19 patients.
Nasa 59% pa ang bakante para sa mga nangangailangan dalhin sa ICU habang 62% ang available sa mga isolation beds.
Sa mga ward beds naman ay 72% ang available at pagdating sa mga ventilator ay 81% ang availability nito.