Binigyang-diin ng operator ng cashless payment system na palugi na nilang ibinebenta ang kanilang Beep card sa mga pasahero.
Ginawa ng AF Payments Inc. (AFPI) ang pahayag matapos igiit ng Department of Transportation (DOTr) na dapat libre ang Beep card na pinababayaran nila sa publiko ng halagang 80 pesos.
Ayon kay DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, dapat ibigay ng libre ang mga kard bilang konsiderasyon na rin sa kalagayan ng mga mananakay sa gitna ng pandemya.
Sinabi ni Libiran na ang sinisingil ng kompanya sa mga pasahero ay pamasahe at pagkain na ng mga ordinaryong manggagawa.